Winter Fairy

She appered in front of him and kissed him on the forehead, making him shiver... he never recovered... forever lost in the dark and cold room of her eyes

Name:
Location: Philippines

kawaii ne?

Saturday, October 28, 2006

haaaay.. ewan

andito ulit na ako sa manila, kadadating ko lang kahapon para kunin ang clearance ko tapos uuwi ulit bakas sa isabela at babalik na lang sa november 2.
hindi ko makakalimutan ang araw na to. ang room dapat namin ay room 211... sa kamalasan dahil nanaman dyan sa math na yan sa avr ang punta ko.... T_T
anr ang ibigsabihin nun on prob na ako!!!!!!!!!! isang bagsak na lang bye bye uste na ako! T_T naiyak di naman ako kanina eh. kasi ang perang ginagamit ko pang tuition ay pera nila mama - hindi akin! gusto ko man magtrabaho as working student, na matagal ko nang ping-iisipan ayaw naman nila akong payagan. yung perang maiipon ko sana ang pambabayad ko sa summer.
nakita ko na rin ang mga grades ko sa internet. may talong 3, pero matataas na yung iba.... sumabit lang ako sa math!!! math!!! math!!! math!!!
math ang pambadtrip sa akin! tapos uuwi pa ako bukas ng umaga, susunduin ng parents ko tapos kakausapin ako tungkol duon hanggang sa sisihin na ang lahat, sasabihing hindi nag aaral ng mabuti. "nung ako ganito", "nung ako ganyan" - sila naman yun hindi ako, ayaw ko lang talaga ng math. 0o na BS na kayong lahat AB lang ako. pero AB ng uste at COE pa. gragraduate ako! kahit anong mangyari makikita nyo, hindi lang BS chem, eco, touroism, com sci, At lalong lalo na ang nursing, ang kursong puwedeng tingalain.

Thursday, October 19, 2006

anong ginagawa ko pag sem break?

bago ako mag kwento - sasabihin ko muna na imbes na eight hours ang biyahe ko pauwi naging ten hours. yup ten hours na naka-upo doon sa loob ng victory liner! lahat kami duon ay na stuck sa loob ng bus sa loob ng mahigit na dalawang oras. ang masama pa doon hindi ko kilala ang katabi ko basta ang alam ko sya si mamang pulis na muntik nang maiwan ng bus sa terminal. bagal kasi kumilos eh, pero sya ang dahilan kung pano kami pinadaan duon sa daanang may road block - hindi one way - buti sana kung one way may makakadaan pero ang buong kalsada isasara?
tapos alam na nga ng mga tao kung anong meron kung bakit ayaw magpadaan ang kulit-kulit pa ng mga nasa likod ko, reklamo ng reklamo para namang may magagawa sila. wala, wala silang mgagagawa kasi wala silang alam kundi magreklamo ng magreklamo. lahat naman naaatat nang maka-uwi.
para malaman ng lahat, nandito ako sa ISU nagiinternet. libre kasi eh andito ako sa opisina nila mama.
sa hinabahaba ng bwan mula nang nanggaling ako sa pampanga hndi pa ako bumabalik dito sa isabela. nung june anjan na ako sa manila, ngayaong nandito na ako sa isabela wala naman akong magawa... buti na lang bukas 'tong opisina nila kahit sem break na at nagbabakasyon na ang mga estudyante. sana di ako mahuli dito baka pagalitan pa ako.
ang ayaw ko lang naman dito ay ang walang magawa, wala pa akong pera. kung meron man magsawa kang manuod sa tv na pangit ang mga palabas. ayaw naman kasi nila mama na magpalagay ng animax or hero para naman may libangan. madaya kasi ang cable operator namin - may dagdag na bayad kapag magpapadagdag ka ng channel e ang dapat kasama na 'yon sa monthly na babayaran.
si ate nga pala buntis so hindi ako makatulog sa kwarto kasi malikot daw ako matulog. dun ako sa labas natututlog! ang init-init pa man din doon sa labas tapos kapag madaling araw masyadong maginaw.
sana may magtext na kaklase ko dati para maka-punta ako so monte, foundation day doon madaming pagkain.

Sunday, October 15, 2006

sem break na

sem break na ano no ngayon?
uuwi na ako ng isabela - masaya, pero walang kasiguraduhan na may pera ako noon. hindi rin ako sigurado kung makakapag internet ako, hindi sigurado na hindi kami mag-aaway ni ate kahit na buntis siya (alam nyo naman siguro kung bakit nag-aaway ang magkakapatid; mga panganay vs bunso) T_T
hindi ako sigurado kung makakagala pa ako, saan nga naman kasi ako gagala doon kahit naman sa monte ako pumunta maaga naman akong papauwiin. mag-eenjoy naman kaya ako doon kung wala yung mga kabarkada ko dati (hndi ko sila ma-contact lahat, c ronald lang at mga kabarkada nya.)
anong gagawin ko doon? e di magbantay ng pamangkin :'( matulog, kumain ng masasarap na luto ni mama *drool* magbabad sa tapat ng computer, matulog at manood ng tv at kuang anu-ano pa...

naman napaka walang magawa doon kaya ayaw kong umuwi eh kaso syempre miss ko na ang bahay at ang kwartong inaangkin ko mula kay ate, kaya siguro nagagalit sa aking 'yon, puno na kasi ng poster 'yun eh lalung lao na 'yumh loob ng cabinet.

Friday, October 13, 2006

finals

how nice to think that the sem will end... a few days after today.
actually, the sem did end right now friday the thirteenth. many believed this day is unlucky, well yeah maybe yes and maybe not.
i finished the exam in ns101, fast very fast. i'm not boasting about it ar anything, i am just giving you a clue that i did not study for this subject. my attention was flying somewhere else yasterday, i just red the handout maybe once or twice. that's unlucky.
i wish to have my very own 'death note' so that i could kill anyone i want to with just writing their names on the note book. sounds cool.
the truth is, almost half of this day went on right i finished the paper on english , i took the final exams and done everything i want, everything went right except when i came home. really, you'll never know when the luck will left you there hanging in the mid air, keeping your tight grip on the rope and hope you'll not fall because there's no safety net. like seeing or watching the performer in a carnival falling down from the top to the ground.
e basta pag uwi ko nabadtrip agad ako! ayaw ko na, gusto ko nang lumipat ng apartment! ayaw ko nang mag-aral, ayaw ko nang makita ang lahat ng kasama ko sa bahay. ayaw ko ding umuwi sa amin o kung kahit na kanino mang kamag-anak ko, ayaw ko sa kanilang lahat! kainis! bwisit! peste!
manunuod na lang ako ng death note sa you tube. wala akong mapapala sa loob ng apartment kapag umuwi agad ako.

Friday, October 06, 2006

i hate what's happening!

i hate what is happening right now because after the game in uaap the week is full of rushing papers for whoever professor of whatever subject that matters nothing fto me.
i do not want to go to school long before i'm in college. imagine, today i'm rushing papers and next week i'm already taking the final examination?! i really hate school because of the teachers who gives projects at the end of teh grading period and will sooner give us a flanking grade because we failed the stupid final exam where in they don't even explain to us the whole of it.
why do i have to do this kind of things? rightnow i'm typing here at the same time doing my stupid research and surfing the net for things that interests me.
how i wished that the sun and stars would explode at a time, the different galaxies to collide, the moon to break away from the earth's graviatational pull and for the meteors and comets to enter and pass through the earth's atmosphere and crash into the earth's mantel and trough the inner core! for short i want the world to end as simple as that, not like the one in the apocalypse as said in the Holy Bible.
i want to go way from this kind of world - i want to leave the city even the province and live far away from people. i want to live where there are no do's and dont's'. i hate to be dictated by anyone, all i want to do is do what i want to and go wherever i want to. the birds are really fun to watch and at the same time irritating.
what's with this world? what can global competition do for us? negative and possitive effects are too plenty to be noticed.

Wednesday, October 04, 2006


Tuesday, October 03, 2006

when we fall, we rise not once but twice!

GO USTe! GO USTe! GO USTe! GO! GO! GO!

after ten long years! nanalo rin sa wakas ang ust! we luv pido!
kahapon, sulit na sulit ang pag-pila namin ng pagkahaba-haba nung sunday na umabot na halos ng pitong oras at ang pila ng mga tao sa gym ay halos umabot sa beato. kahit na ang ticket na napunta sa amin ay 'general admission' ayos lang basta nasa loob kami ng araneta.
maraming pumunta at pumila sa araneta kahapo dahil championship na sa men's basketball at ang naglalaban ay ust at admu. sa sobrang dami ng tao duon at sa sobrang dami ng sumingit sa pila naubusan kami ng ticket, wala na kaming nabili para kanila leo at hans. naghanap kami ng scalper kaso wala na eh kaya pumasok na muna kami ni rush at pag-akyat namin ng araneta, wow! andun si kuya ninoy ng y.j. at naaalala pa kami ah dahil kay mickey mouse na nasa yellow shirt ni rose ann. (ang bait talaga ni kuya namamansin).
ang ganda ng laban kahapon kahit na natambakan tayo ng atene0 nagwagi parin ang uste. mga anim na puntos ang lamang ng ateneo nung umpisa at tuwing makakahabol ang ust makakagawa pa sila ng points. punong puno ang araneta ang ingay-ingay ng lahat. lahat ninenerbyos sa laro pano ang higpit ng laban lalung lalo na nung 3rd at mas lalu na nung 4th quarter! kainis talaga ang three points ng ateneo! ilang beses 'yon at kainis din kasi hindi pumapasok ang mga free throw kasi sayang din.
hindi man ako masyadong fan ng basketball alam ko parin ang pakiramdam ng nananalo at natatlo. ayaw nating magpatalo sa ateneo pero ganoon din naman sila eh ayaw magpatalo sa atin. five minutes na over time! nakakatense ang buong pangyayayri, lahat ng tao ang panalangin ay manalo pero iisang side lang ang mapag-bibigyan [at tayo 'yon!].
nanalo ang ust 74-76 - 1 point na 'yon ay free throw.
may parade pa pala ngayon. mamaya ko na itututloy o kaya sa ibang araw na lang. -ayaw ko na pala... kakatamad.

Sunday, October 01, 2006

BEAUTIFUL!

beautiful:

- ang aga ko sa araneta
- kasi naubos ko ang 500php ko sa iasang araw lang
-maganda ang pwesto namin kahapon!
-maganda ang laro
-PANALO ANG USTE KAHAPON
-nagwawala ako kahapon
-di lang ako ang nagwawala!
-may baloon kami kahapon
-wala ata kaming pasok bukas!
-ang galing ni kuya YJ
-wafu ni kuya YJ
-pagnanalo tayo sa 3rd game walang klase sa tuesday!(ata)
-may nabili pa kaming ticket para bukas kahit na GA
-hindi umulan
-hindi bumaha
-TALO ANG ATENEO
-KUNG MANANALO TAYO BUKAS
-mas maganda kung makikita ko ulit si kuya YJ
-madaming tao kahapon
-apat na araw na walang klase
-manuod ng championship khit nasa GA
-kung may kakilala kaming nagitinda ng UAAP tickets
-sa malapit sa drums
-kung walang english bukas
-kung may yellow tshirt ako para bukas
-meron akong yellow t-shirt pero may halong blue na stripes
-kung may baloon kami bukas
-mas maganda kung sana wala kami sa GA
-kung may dvd player ako
-kung may pera lang sana ako
-ang mga cheer ng UST!
-kasama si kuya ninoy ng YJ
-maghawak ng banner
-ang araw ko kahapon
-ang araw ko ngyon
-ang link na ito terryxart.com/Sleepy%20Hollow%20Page%201.htm

"ONE FOR UST!" -BEAUTIFUL! - YES BEAUTIFUL!