anong ginagawa ko pag sem break?
bago ako mag kwento - sasabihin ko muna na imbes na eight hours ang biyahe ko pauwi naging ten hours. yup ten hours na naka-upo doon sa loob ng victory liner! lahat kami duon ay na stuck sa loob ng bus sa loob ng mahigit na dalawang oras. ang masama pa doon hindi ko kilala ang katabi ko basta ang alam ko sya si mamang pulis na muntik nang maiwan ng bus sa terminal. bagal kasi kumilos eh, pero sya ang dahilan kung pano kami pinadaan duon sa daanang may road block - hindi one way - buti sana kung one way may makakadaan pero ang buong kalsada isasara?
tapos alam na nga ng mga tao kung anong meron kung bakit ayaw magpadaan ang kulit-kulit pa ng mga nasa likod ko, reklamo ng reklamo para namang may magagawa sila. wala, wala silang mgagagawa kasi wala silang alam kundi magreklamo ng magreklamo. lahat naman naaatat nang maka-uwi.
para malaman ng lahat, nandito ako sa ISU nagiinternet. libre kasi eh andito ako sa opisina nila mama.
sa hinabahaba ng bwan mula nang nanggaling ako sa pampanga hndi pa ako bumabalik dito sa isabela. nung june anjan na ako sa manila, ngayaong nandito na ako sa isabela wala naman akong magawa... buti na lang bukas 'tong opisina nila kahit sem break na at nagbabakasyon na ang mga estudyante. sana di ako mahuli dito baka pagalitan pa ako.
ang ayaw ko lang naman dito ay ang walang magawa, wala pa akong pera. kung meron man magsawa kang manuod sa tv na pangit ang mga palabas. ayaw naman kasi nila mama na magpalagay ng animax or hero para naman may libangan. madaya kasi ang cable operator namin - may dagdag na bayad kapag magpapadagdag ka ng channel e ang dapat kasama na 'yon sa monthly na babayaran.
si ate nga pala buntis so hindi ako makatulog sa kwarto kasi malikot daw ako matulog. dun ako sa labas natututlog! ang init-init pa man din doon sa labas tapos kapag madaling araw masyadong maginaw.
sana may magtext na kaklase ko dati para maka-punta ako so monte, foundation day doon madaming pagkain.
2 Comments:
wai~ yan naman ang hastle sa sem break, walang magawa, la pang pera..huhuhu...
tek, sampung oras nakaupo?! buti nalang bus yan at malambot, eh kung sa dyip, 2 oras palang nagmumura na yung pwet ko eh!
This comment has been removed by the author.
Post a Comment
<< Home