Winter Fairy

She appered in front of him and kissed him on the forehead, making him shiver... he never recovered... forever lost in the dark and cold room of her eyes

Name:
Location: Philippines

kawaii ne?

Tuesday, October 03, 2006

when we fall, we rise not once but twice!

GO USTe! GO USTe! GO USTe! GO! GO! GO!

after ten long years! nanalo rin sa wakas ang ust! we luv pido!
kahapon, sulit na sulit ang pag-pila namin ng pagkahaba-haba nung sunday na umabot na halos ng pitong oras at ang pila ng mga tao sa gym ay halos umabot sa beato. kahit na ang ticket na napunta sa amin ay 'general admission' ayos lang basta nasa loob kami ng araneta.
maraming pumunta at pumila sa araneta kahapo dahil championship na sa men's basketball at ang naglalaban ay ust at admu. sa sobrang dami ng tao duon at sa sobrang dami ng sumingit sa pila naubusan kami ng ticket, wala na kaming nabili para kanila leo at hans. naghanap kami ng scalper kaso wala na eh kaya pumasok na muna kami ni rush at pag-akyat namin ng araneta, wow! andun si kuya ninoy ng y.j. at naaalala pa kami ah dahil kay mickey mouse na nasa yellow shirt ni rose ann. (ang bait talaga ni kuya namamansin).
ang ganda ng laban kahapon kahit na natambakan tayo ng atene0 nagwagi parin ang uste. mga anim na puntos ang lamang ng ateneo nung umpisa at tuwing makakahabol ang ust makakagawa pa sila ng points. punong puno ang araneta ang ingay-ingay ng lahat. lahat ninenerbyos sa laro pano ang higpit ng laban lalung lalo na nung 3rd at mas lalu na nung 4th quarter! kainis talaga ang three points ng ateneo! ilang beses 'yon at kainis din kasi hindi pumapasok ang mga free throw kasi sayang din.
hindi man ako masyadong fan ng basketball alam ko parin ang pakiramdam ng nananalo at natatlo. ayaw nating magpatalo sa ateneo pero ganoon din naman sila eh ayaw magpatalo sa atin. five minutes na over time! nakakatense ang buong pangyayayri, lahat ng tao ang panalangin ay manalo pero iisang side lang ang mapag-bibigyan [at tayo 'yon!].
nanalo ang ust 74-76 - 1 point na 'yon ay free throw.
may parade pa pala ngayon. mamaya ko na itututloy o kaya sa ibang araw na lang. -ayaw ko na pala... kakatamad.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home